Advertisers

Advertisers

Tulak, patay sa buy bust sa Naga

0 136

Advertisers

Patay ang tulak ng shabu sa isinagawang drug buy bust operation sa Naga City.

Sa ikinasang operasyon, 10:34 nitong Pebrero 1, 2023 sa Zone 4A, St. Claire, Concepcion Pequena, Naga City, nakabili ang operatiba ng shabu sa halagang P15,000 sa target na si Angelo Fernandez y Galvez.

Sa report ng Naga City Police Office, nakasaad na nang dumating ang mga back-up operatives at bumunot ng baril ang target na dinipensahan naman ng operatiba kung kaya tinamaan si Fernandez na ikinasawi nito.



Ayon kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO, nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang kalibre 45 ang ginamit ng suspek, apat na live ammunition at 6 sachet ng shabu.

Ayon naman kay Punong Barangay Wewen Regmalos, titinggan nila sa listahan kung kasama sa mino-monitor nila ang nasabing target.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">