Bela happy na palabas na ang movie na inabutan ng Covid; Geneva dedma kahit sabihang maitim ang singit sa pagbibikini
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MASAYA ang London-based actress na si Bela Padilla na sa wakas ay mapapanood na rin sa big screen ang isa sa pinakamatagal na yatang pelikulang ginawa niya, ang “Spellbound”, remake ng isang Korean Film at kasama sina Marco Gumabao, Rhen Escano, Cindy Miranda, Benj Manalo, Moi Bien and Ronnie Liang. Directed by Jalz Zarate, “Spellbound” opens in cinemas nationwide.
Bago pa magkaroon ng pandemic sa bansa noong 2020 nang umpisahan ni Bela ang pelikula na naudlot at natapos lang nitong nakaraang taon.
“It took a long time to finish this movie. We started on January 20, 2020 and first shooting day namin sumabog ang Taal and then na-declare ang first day ng lockdown because of Covid.
“Natigil ang shoot namin at hindi na kami nagkita. I went to London in July 2021 and we were able to resume the shooting only last year. And now, finally, we’re glad natapos na rin siya at ipapalabas na.”
Spellbound” is Viva’s pre-Valentine offering.
Bela plays Yuri, a beautiful woman who has become a ghost magnet after surviving a vehicular accident back in high school. The ghosts’ constant presence in her life also causes fear to people near and dear to her. But a certain magician might just change her mind.
Marco plays Victor, a street magician. He is actually not a professional magician, but he is able to attract audience through his good looks and charm.
***
KUNG matatandaan almost a year ago ay nagpost ng kanyang bikini photos si Geneva Cruz. At dahil sa she’s not that young but not too old na magsuot ng 2 piece ay kung anu-ano ang binato kay Geneva na mga negatibong komento tulad na lang na maitim daw ang kanyang singit.
Sinagot naman ito ng aktres/singer sa pagsasabing ‘Sabi ang itim ng singit. Parang sinagot ko lang na sabi ko ‘that’s called showdow.’ Sabi ko pasensiya ka na I forgot to photoshop it for your delight,” ani Geneva.
And for this new year ay walang takot na pinost muli ni Geneva ang mga bago niyang bikini photo shoot. Mas daring, mas erotic ika nga. And she’s 40 years old.
Say ni Geneva, ipinapakita niya rin ang imperfections sa katawan sa kanyang mga bikini post.
Sinabi ni Geneva na nais din lang niyang ipagtanggol ang ibang katulad niya ang edad na nagbi-bikini at maging sa mga ina na may bilbil, stretch marks at loose skin na hindi nauunawaan ng iba.
“Parang sinasabi ko na ‘watch me.’ Kung masaya ako sa bikini ko hindi naman nakakasakit, leave me alone. Ayoko ring isipin nila na just because celebrity kami we’re pecfect, we’re not,” say pa rin ni Geneva.