Advertisers

Advertisers

Inuman nauwi sa tagaan: 1 patay, 2 sugatan

0 125

Advertisers

Patay ang isang babae habang sugatan ang dalawa nang tagain ng asawa ng isa sa mga biktima habang nag-iinuman sa Brgy. Poblacion Uno, Real, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Rosalinda Silvestre, residente ng nasabing lugar.

Sugatan naman sina Kristine Sanchez, 39; at Gigi Ibañez, 46, misis ng salarin.



Ayon sa report ng Real police, 10:00 ng gabi, nag-iinuman sa isang bahay ang tatlong biktima kasama ng ilan pang kaibigan nang dumating ang salarin na si Joel Ibañez, 47 anyos.

Nagkasagutan ang mag-asawa hanggang sa mauwi ito sa pagbunot ng itak ng lalaki at tagain ang kanyang misis.



Bagama’t may tama, nagawang makatakbo ng ginang.

Napagbalingan naman ni Joel ang mga kainuman na sina Silvestre at Sanchez at pinagtataga ang mga ito.



Mabilis na tumakas si Joel matapos ang pananaga samantalang sinugod naman sa ospital ang tatlo kung saan idineklarang dead-on-arrival si Silvestre.

Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya para madakip ni Joel.