Advertisers

Advertisers

Maine lusot na sa pagkakaugnay kay Alden; Coco ‘di makaalis sa anino ni FPJ

0 172

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

NATAPOS na ang ilusyon ng AlDub Nation nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang King of Talk lang pala ang magpapaamin kung sino ang babaing naugnay kay Alden.
Wala sa listahan si Maine. Natuldukan ang tsikang nagkarelasyon at nagkaroon pa ng love child. Kaya naman vindicated si Maine na syota ni Cong. Arjo Atayde at walang overlapping.
Sapantaha ng netizens kaya di agad nuon nasabi ni Alden dahil sikat ang kanilang tandem ni Maine sa Eat Bulaga. E, kahit inaming may namuong relasyon kay Julie Anne San Jose at muntik na rin sila ni Winwyn Marquez.
Sa ngayon, may napupusuan ba as in nililigawan ang aktor? Ow, sige wait lang tayo, malay natin may surprise siya sa araw ng mga puso.
***
PUSPUSAN ang syuting ng Batang Quiapo kasama ang aktor at direktor na si Coco Martin at co-director na si Malu Sevilla.
Ang teleserye ni Coco ang papalit sa timeslot ng Darna. Nakatakdang mapanood ito sa Pebrero 13. May nagtanong, bakit di raw makaalis sa anino ni Fernando Poe, Jr si Coco? Patok Ang Probinsiyano at remake ng Ang Panday sa telebisyon. Ang Batang Quiapo ay isang pelikula rin ni FPJ at katambal niya si Lovi Poe.