Advertisers
Nalitson nang buhay ang isang taong batang lalaki ang tupukin ng apoy ang kanilang bahay dahil sa nakasinding kandila sa Roxas city.
Kinilala ang biktimang si Peter Denobo, ng Oakwood subdivision, Brgy. Mongpong, Roxas City.
Sa report ng Roxas City-PNP, naganap ang insidente Lunes ng gabi sa nasabing lugar.
Kwento ng ina na si Maricar Bensing, 19, iniwan niya ang anak na natutulog para sunduin ang kanyang asawa na si Patrick Denobo, 20 anyos, sa isang computer shop ilang metro ang layo sa kanilang tahanan.
Makalipas ang 15 minuto nakita na lamang nila na nagliliyab na ang kanilang bahay at hindi na naisalba pa ang kanilang anak.
Sinabi pa ni Bensing na wala silang kuryente at tanging kandila lamang ang ginagamit nilang ilaw na nakalagay sa bubog na baso at ipinatong sa Durabox.
Hinala ng mga awtoridad posibleng nalusaw na ang kandila hanggang sa nag-apoy ang pinapatungan nitong plastik na naging sanhi ng sunog at ikinamatay ng bata.