Advertisers

Advertisers

Sweet na ulit…Heart suportado ni Chiz, sinamahan pa sa Paris

0 187

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

WALA man opisyal na pag-amin mula sa mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero na naayos na nila ang gusot na pagitan nilang mag-asawa ay makikita naman sa mga larawan na pino-post ni Heart na happy together na ulit sila ng mister. Pero marami ang nagtataka kung bakit nanatili sa Paris si Heart at inaayos pa ang kanyang apartment na nabili sa naturang bansa.
Say ni Heart, masaya na siya ngayon sa kanyang lovelife at kung anuman relasyon meron sila ay dahil suportado siya ng mister sa nais niyang gawin sa buhay ngayon.
Sa isang pagkakataon nga ay sumama pa si Heart sa mister sa isang session sa Senado. At doon ay biniro ang dalawa ng kapwa senador ni Sen. Chiz bago umpisahan ang kanilang session.
“Nakakahiya, umabot pa kami sa Senado. But it’s nice to see everybody supportive of one another,” say ni Heart.
Maging si Sen. Chiz, kahit abala sa kanyang trabaho, can find time to be with wife sa Paris.
“First time during the Paris Couture Week, which was not his thing. So mas lalo siguro siyang nakakatulong na naging masaya ako with my work, with my life, because I’m supported,” sabi pa ni Heart.
Long distance love affair ang peg?
***
BUKOD sa si Arron Villaflor ang leading man sa latest movie ng Vivamax na “La Querida” na katambal si Micaella Raz with Mercedes Cabral and Jay Manalo, also features other Viva stars, such as Josef Elizalde, Alona Navarro, Andrew Muhlach, and Jiad Arroyo, ay masasabi ng aktor na ang naturang movie ang isa sa ‘nasarapan’ siyang gawin.
Ang “La Querida” ay istorya ng dalawang nagmamahalan, as in my beloved hindi ang nakasanayan nang interpretation ng La Querida o ang kerida o kabit.
Under the direction of GB Sampedro, the interweaving intimate love stories of ‘La Querida’ premieres on Vivamax on February 10.
“Sa akin siguro, parang doing this film, isa ‘to sa mga tatak na ginawa ko sa Viva. Kasi, real emotions kasi ‘to eh. You know, it’s a story about relationship.
“So ang sarap, ang sarap gawin dahil real emotions. Lalong lalo na mahilig tayong mga Pilipino na makialam sa ibang mga relasyon. So ito na rin ‘yung para sa amin, at masasabi ko na matutuwa din ‘yung mga manonood kapag napanood nila ‘to,” say ni Arron.
“This is something different from my past projects na nagawa ko na, so para sa akin may puso talaga siya. Ang sarap, ang sarap, kung malalaman ninyo lang talaga, ang sarap panoorin nito..kaya pati kami, excited na rin kami sa pelikula namin,” say pa rin ni Arron