Advertisers

Advertisers

Cesar inamin, sinapian ni Marcos

0 173

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

DATI nang nakilala ang magaling at award-winning actor na si Cesar Montano sa pagganap sa mga karakter na base sa tunay na buhay tulad ng mga binigyang -buhay niya sa mga pelikulang “Alyas Waway”, “Chavit Singson Story”, “Alfredo S. Lim” (The Untold Story) at iba pa.
Katunayan, maituturing na malaking bahagi ng kasaysayan sa ebolusyon ng pelikulang Pinoy ang pagganap niya bilang pambansang bayani sa historical epic na “Jose Rizal.”
Noong nakaraang taon naman pinag-usapan ang kanyang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacanang” na binigyang-buhay niya ang papel ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Aniya, na-enjoy daw ang challenge na i-portray ang ganoong kakulay na role.
Nasa kolehiyo raw siya noong 1986 EDSA revolution subalit wala raw siyang ganap na kaalaman sa mga nagaganap noon.
Dagdag pa niya, naging miyembro pa nga raw siya ng League of Filipino Students na karamihan ay ayaw kay Marcos.
Ironic nga raw na ngayon ay siya pa ang napiling gumanap ng nabanggit na role ng dating Pangulo ng Pilipinas.
Aniya, naniniwala siyang dapat ding malaman ng sambayanan ang bersyon ng katotohanan tungkol sa totoong nangyari sa mga Marcos para maging parehas ang lahat.
“Ang sabi ko nga, nag-iiba ‘yung–alam mo ‘yun, the world is turning around, sa buhay mo, sa pag-iisip, sa aking knowledge, so sa akin more of like–sinusulat ulit ‘yung history sa ating buhay, sa ating– dahil ako pa si Marcos, ‘yun ang sa challenge sa akin,” aniya.
Ngayon, sobrang grateful daw siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mabigyang-buhay muli ang buhay ng former president sa prequel na “Martyr or Murderer.”
Speaking of his preparation, mas naging rigid daw ang kanyang paghahanda kung saan feeling niya ay ‘sinapian’ na siya ni Marcos.
“Ako naman. I needed to be ‘possessed’ of his character. So lahat po ng pictures niya na available sa social media, pina-print ko. Pinagdidikit ko lahat sa kuwarto ko, lahat o kahit saan ako pupunta sa loob ng bahay ko. And all the videos niya, I view it again and again and again para maaral ko ang karakter ko. Sabi nga ni Senator Imee, Stanislavski’s method of acting ba iyon. Iyon ang paniniwala ko bago pa dumating sa Amerika iyan. Iyon ang belief ko to be more effective as an actor. That’s how I prepared,” pagbabahagi niya.
Bukod kay Cesar, tampok din sa “Martyr or Murderer” sina Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz bilang mga miyembro ng dating first family.
Mula sa direksyon ni Darryl Yap, kasama rin sa powerhouse cast sina Isko Moreno bilang Ninoy Aquino, Jerome Ponce, Marco Gumabao, Cindy Miranda, Sachzna Laparan, Kyle Velino, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, Rose Van Ginkel, Franki Russell, Giselle Sanchez, Marlon Marce , Billy Jake Cortez at marami pang iba.
Palabas na ang pelikula simula sa Marso 1.