Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PUTOK ngayon sa social media ang isang Afam na naghahanap ng magiging partner o mapangangasawa na Pinay sa bansa.
Parating daw ang Afam this coming week at kung sino ang mapipili ay siya niyang magiging gf.
Isang Udoh Maxwell ang naghahanap ng makakapareha sa Pinas.
Kaya naman kanya-kanyang pahaging at nagbabakasakali na sila ang mapili.
Ilan nga sa mga comment ay sagot daw sa kahirapan ang pagpunta ng Afam sa ating bansa.
Ikinaloka ng netizens na pati ang anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia ay nakipila at nag comment din.
Ani Kapamilya aktres na ngayon na dating Kapuso na siya raw ang magugustuhan ng Afam for sure.
Pero may nag tsek naman ng account ng nagngangalang Udoh Maxwell na di raw mahanap.
Kaya naman pinag iingat si Jennica at mga Pinay na imbes na guminhawa ang buhay ay baka sila pa ang maraketan.
Or ‘yung tinatawag na love scam na marami nang naging biktima na ating kababayan dahil sa kanilang mapang- akit na larawan.
***
Antoinette Taus may half brother na humihingi ng tulong
NOON pang 2007 nabalita na may half brother or kapatid sa labas sina Antoinette at Tom Taus.
Sa isang bidyo ay nanawagan at humihingi ng tulong si Anthony Taus at gusto nitong makita ang ama na si Tomas Taus Sr.
Taong 2017 nang sinubukan ng kanyang nanay na puntahan ang kanyang tatay ngunit di sila nag-abot.
Ayon sa video ay miss na miss na ni Anthony ang kanyang ama.
Walong taon ding nagsama ang kanyang ina at ama hanggang parang bula na lang naglaho ang huli.
Hirap naman sa buhay sina Anthony na nagpepedicap lang sa Northern Samar na kumikita ng 150 to 200 pesos.
Habang ang ina naman ni Anthony ay nagtitinda ng saging.
Naalala pa nito na nung pandemic ay talagang walang labas ang pedicab kaya minsan may naaawa na abutan siya ng 300 dahil walang lumalabas nung pumutok ang Covid-19.
May tukso pa nga kay Anthony na siya lang ang kanong mahirap.
Kaya siya ay nanawagan sa amang si Tomas Taus Sr. at inaasahan naman nito na makarating ang kanyang video kina Antoinette at Tom na kanyang mga kapatid sa ama.
Well, well, well…Yun na!