Advertisers
Ni JULIE E. BONIFACIO
BALIK-Pinas na ang magandang si KC Concepcion. Bitbit niya bilang pasalubong kay Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang rumored boyfriend niya, ang Filipino-Swiss na si Steve Michael Wuethrich.
Spotted si KC kasama si Steve sa wedding ng pamangkin ng kanyang “Daddy F,” ‘yan ang dating tawag ni KC sa kanyang stepfather na si former Senator Francis “Kiko” Pangilinan, sa Batangas.
Kahit nasa bandang dulo at may kalayuan na sa isang group photo after the wedding ni Gab Pangilinan at Myke Salomon naispatan pa rin ng mga marites na magkatabi sina KC at Steve.
“Iba talaga ang linaw ng mata kapag marites ka.”
As usual, may hanash din ang bashers ni KC kung saan tinawag na “matanda” si Steve.
“Kasama na naman si Tatang”
“Akala mo lang matanda but he is only 40 turning 41 e si KC naman turning 38 na. Bitter lang”
“40 years ng nagwowork as financial analyst hindi 40 years old anuber”
Definitely, pormal nang naipakilala ni KC si Steve kina Megastar at Kiko pati na sa buong angkan ng Pangilinan.
“Buong angkan ang aaway kay Mike kapag niloko niya si KC! ?? Magbait ka na, Wuethrich!”
Anyway, ‘di na rin nag-aksaya ng panahon si KC since nasa Batangas na sila ni Steve dinalaw na rin niya ang kanyang ama na si Gabby kung saan may resthouse ang aktor.
At dahil naipakilala na ni KC si Steve sa kanyang mga kapamilya, walang duda na sila na talaga.
Ang bagong karelasyon marahil ang dahilan kaya klinaro na finally ni KC ang tunay na namamagitan sa kanila ng Black Eyed Peas singer na si Apl.de.ap.
Nakapag-release ng statement si KC na wala silang romantic relationship ni Apl.de.ap. bago niya inilantad sa publiko si Steve.
Since parehong nasa tamang edad at stable na emotionally, mentally and financially kaya ‘wag magulat if any moment ay may kasalan nang maganap kina KC at Steve this year.
***
PUMIRMA ang showbiz newest loveteam at mga bida ng kauna-unahang Facebook-series na “Roommate” na sina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar para sa bago nilang endorsement, ang student dormitory na University Home or UHome sa may Piy Margal-Lacson Streets, Manila noong Martes.
Bukod kina Jhassy at Heindrick, nakuhang brand ambassador din ng UHome ang baguhang artista na si MJ Manuel.
Pahayag ni Jhassy, “Masaya po kasi gaya nga po ng sabi nyo, wala pa ‘yung launching movie namin pero ang dami ng nagtitiwala sa amin at nakakakita ng potential sa aming dalawa. At ngayon kasama pa namin si Kuya MJ.
“So, ang fulfilling po niya honestly, na ganoon po. Katulad po nina Sir Jayson (Bautista) na pinagkatiwalaan po kami nila po. Sobrang saya po.”
Ang Uhome ang pangatlong endorsement ni Jhassy in less than a year. Una, ang Winkle Donut and Winkle Tea. Pangalawa, ang ChiC Nature Blends mula sa CHIC Manufacturing Corporation.
Habang pangalawang endorsement naman ang UHome para kay Heindrick.
Say naman ni Heindrick, “Tinitingnan ko po ito as another blessing. Thank you, Sir Jayson sa pagtitiwala sa amin. Saka kasi naging close na rin kami kay Sir Jayson nu’ng nag-taping kami dito ng ‘Roommate.’ (Facebook-series).
Dahil sa mga bagong blessing na dumarating kay Heindrick with his kalabtim na si Jhassy around, he considers her as his lucky charm.
“Yes, lucky charm ko po talaga si Jhassy,” pagsang-ayon pa ni Heindrick.
Present din sa bagong milestone ng tambalang Jhassy at Heindrick with MJ ang direktor ng FB-serye nila na “Roommate” si Direk Gabby Ramos at ang butihing ina/manager ng young actress na si Mommy Mhae Busran.
Ayon kay UHome’s leasing department manager na si Jayson Bautista, “One of the requirements namin kasi kaya sila ang napili namin is one of course, malaking tulong talaga ‘yung naging part ng “Roommate.
“It’s a good investment po. Gaya po ng sinasabi ni Sir Jayson kanina parang napapaisip po ako. Ang galing. Nakikinig lang po talaga ako sa kanya kanina. Totoo pala nangyayari yung mga ganoon. Ang gandang investment po pala talaga ang mga property. Kaya napaisip po ako,” lahad ni Jhassy.