Advertisers

Advertisers

Heart inspirasyon ng mga nangangarap na kababaihan

0 145

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SI Heart Evangelista ay maituturing na ehemplo o epitome ng isang strong, iconic woman, kaya hiningan namin siya ng mensahe para sa mga kababaihan na tinitingala at kumukuha sa kanya ng inspirasyon sa mga panahong may mga pinagdadanan ang mga ito na krisis o pagsubok sa buhay, na nangangarap sa buhay pero nahihirapan.
“I guess we should say rebellion is never the reason or rebellion is never something that you need to do.
“Meaning to say is when you don’t understand your life and you feel like you’re trapped and you feel like you’re suffocated with your job, with the people around you, you don’t go on a warpath or a war zone and you know get parang everyone.
“You have to have your time to yourself, to assess, to understand, to see how you will grow from it.
“You don’t need to be angry, you just have to roll with the punches and you will automatically grow from that.
“Kasi sometimes pag something doesn’t happen the way we want it to happen, nabubuwisit tayo or napu-frustrate tayo. “It’s okay to be frustrated but the answer will come very soon, and sooner if you just stay calm.
“Everything is for a reason, if you do make a mistake it’s okay.
“Kung nagrebelde ka it’s still okay, but learn from your mistakes and it will just really, as cliché as it sounds, it will make you into a better person.
“Don’t let the world turn you into a mean or bitter person.
“It’s all for a good reason for you to be better to yourself and to other people.
“And take lots of pictures because we only meet people for a reason in our lifetime, whether it’s a friend, a colleague, take lots of pictures because life is too short.”
Si Heart ang bagong celebrity endorser ng Zion massage chair.
***
KAPAMILYA muna pala bago naging Kapuso ang broadcast journalist na si Emil Sumangil.
Napag-alaman namin ito nang pagkuwentuhin namin siya tungkol sa kanyang pinagsimulan bilang isang mamamahayag.
“Ako po ay eighteen years na sa GMA Network pero bago po ako maging empleyado ng channel 7 ako po ay tatlong taon ding nagsilbi sa ABS-CBN.
“Puro news po ito, news department po.
“Tapos paglipat ko ho dito sa atin sa GMA Network bilang segment producer dahan-dahan na pong umangat hanggang sa maging reporter na po sa night beat.
“Hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na humalili noon kay Mr. Jiggy Manicad sa News TV Quick Response Team. Pagkatapos po dito sa QRT, after ng kainitan ho ng pandemya, nabigyan ho ako ng tsansa, ng pagkakataon na maging co-host po ng programa namang Dapat Alam Mo.
“Dito po sa pag-stay ko sa Dapat Alam Mo, last two months lamang ho, binigay na ho itong pagkakataon na ito, itong Resibo.
“Ang aking beat ay puro nasa crime e, criminal justice system po ang mga istoryang tinututukan ko, hindi ho ako nagpa-assign sa iba, hindi ako na-assign sa political beat, sa business beat, puro ho sa crime, eversince,” pagbabahagi ni Emil tungkol sa Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso na solong iho-host ni Emil na programang maaaring pagsumbungan ng mga mamamayan kung sila ay may reklamo at naagrabyado.
Kahit noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, hindi huminto sa pagre-report si Emil at pagtungo sa kung saan-saang lugar na may krimeng dapat niyang ikober.
At sa awa ng Diyos ay hindi siya tinamaan ng nakamamatay na virus.
“Noong kainitan po ng pandemic period kung tawagin, hindi po ako tinamaan ng sakit na yan hanggang sa matapos ho, kung hindi po ako nagkakamali, yung team ko lamang din ho ang hindi nagkaroon ng absent nung panahon ng pandemya.
“Ibig sabihin nadiretso po namin yung coverage, nung total lockdown, hanggang sa mag-ease yung COVID restrictions, hanggang sa mga sandaling ito.”
Mapapanood ang Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso tuwing Linggo simula ngayong May 7, 5 pm sa GMA, GTV, at Super Radyo DZBB.