Advertisers

Advertisers

Senador Marcos hirit imbestigahan…‘MALAWAKANG PANDARAYA SA VOTER REGISTRATION’

0 108

Advertisers

HIRIT ni Senadora Imee Marcos na maimbestigahan ang umano’y malawakang ‘fraudulent voter registration’ para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Oktubre ng 2023.

Sinabi ng Senadora sa inihain nitong Senate Resolution No. 592 ang isang ulat noong 2020 na mahigit 77,000 double o multiple registration records ang tinanggal ng Commission on Elections (Comelec).

Iniulat din, aniya, ng poll body noong Marso 31, 2022 na nakapag-detect ito ng nasa 892,627 double registrations para sa 2022 national at local elections.



Inihayag din ng mambabatas sa resolution ang umano’y malawakan at hindi maipaliwanag na pagtaas ng rehistradong botante at registration applicants sa Barangay Carmona, Makati City na sa 4,718 registered voters noong 2022 election ay lumobo sa 78% o 8,415 ang bilang ng registered voters at registration applicants sa naturang barangay.

Sabi ng mambabatas, kailangan i-revisit ang kasalukuyang election laws kabilang ang Voter’s Registration Act of 1996 at ilang bahagi ng Omnibus Election Code upang makagawa ng kaukulang reporma para matugunan ang matagal nang isyu sa flying voters at fraudulent voter registration.



Nagpahayag naman ng suporta si Comelec chairman George Erwin Garcia sa resolution ni Sen. Marcos, ang nakakatandang kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">