Advertisers

Advertisers

AWOL na parak timbog sa droga

0 114

Advertisers

ARESTADO ang isang AWOL (absent without leave) na pulis sa buy-bust ng San Jose City, Nueva Ecija PNP, Biyernes nang umaga sa Barangay Caanawan, San Jose City.

Sa ulat ni Lt. Colonel Marlon Cudal sa tanggapan ni Col. Richard Caballero, Nueva Ecija police director, kinilala ang naaresto na si Neil Fernando Ramos, 44 anyos, ng Villa Rigor, Brgy. Maragol, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Sa ulat, 8:20 ng umaga nang maikasa ang buy-bust nina Cudal, katuwang ang mga tauhan ng NEPPO PPDEU at Philippine Drug Enforcement Agency at nadakip ang dating pulis.



Nabatid na 2006 nakapasok sa PNP si Ramos at nag-AWOL mula 2014 pagkaraan ng may walong taon sa serbisyo dahil sa pagkalulong sa bawal na gamot.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">