Advertisers

Advertisers

5 NPA TIGOK SA BAKBAKAN!

0 122

Advertisers

TODAS ang limang hinihinalang miyembro ng rebelding New People’s Army (NPA) sa sunod sunod na engkuwentro sa Negros Occidental nitong Linggo.

Tinatayang 14 rebelde ang unang nakasagupa ng mga sundalo ng 62nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army bandang 5:00 ng madaling araw sa Sitio Napiluan, Barangay Quintin Remo sa bayan ng Moises Padilla.

Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok bago hiwa-hiwalay na tumakas ang mga armadong grupo.



Alas-5:40 naman ng umaga nakaengkuwentro ulit ng isang platoon ang anim na hinihinalang rebelde na tumatakas sa may Sitio Oway-Oway sa parehong barangay.

Nakumpiska sa lugar ang mga baril, granada, bala, flag ng NPA, at mga personal na gamit at pagkain.(MARK OBLEADA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">