Advertisers
TODAS ang tatlong dealer ng shabu nang manlaban nang salakayin ng mga pulis ang hideout ng mga ito Matalam, Cotabato Huwebes ng umaga, June 1, 2023.
Sa inisyal na salasay ni Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, ang target ng anti-narcotics operation ay si Abdulkarim Unsil, isa sa mga nasawi sa raid.
Pumalag diumano sina Unsil at ang dalawang kasamang sina Gerald Mangiling at Kanacan Unsil, pinaputukan ang mga pulis na papalapit sa kanilang hideout. Kaya nagkaengkwentro.
Naaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Matalam MPS at Cotabato Provincial Police Office ang isang kasama ng tatlong napatay, si Harold Kalunsing, na nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.