Advertisers

Advertisers

‘Rapist’ na konsehal sa Laguna sumuko

0 246

Advertisers

KUSANG sumuko sa pulisya ang isang konsehal na inakusahan ng panggagahasa sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna nitong Miyerkoles.

Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, kasama ni Konsehal Mark Anthony Joven, 41 anyos, ng Barangay Sto. Angel Central, Sta. Cruz, ang abogado niyang si Atty. Anthony Cari­llo nang sumuko sa Pila, Laguna Municipal Police Station, Miyerkoles nang umaga.

Si Carillo rin ang kasalukuyang hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Pila.



Nakumpirma sa pamamagitan ng E-warrant system na may dalawang warrant of arrest si Joven sa kasong rape na nakahain sa Regional Trial Court (RTC) Branch 27 sa Sta. Cruz, Laguna na inilabas Mayo 10, 2023.

Walang inirekomendang piyansa sa unang kaso ng rape, habang sa ikalawang kaso na 3 bilang ng Rape through Sexual Assault ay may piyansang tig-P120,000.



Nakakulong ang konsehal sa Pila MPS.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">