Advertisers

Advertisers

Job Fairs ng Caloocan LGU: Higit 700 residente na-hired on-the sport sa buwan ng Mayo

0 105

Advertisers

Sa layuning magbigay ng mas maraming pagkakataon sa mga mamamayan ng Caloocan, nagdaos ng tatlong job fair na kaganapan ang Pamahalaang Lungsod para sa buong buwan ng Mayo na nagbunga ng mahigit 700 aplikante na natanggap on-the-spot.

Ipinaabot ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang mainit na pagbati sa mga hired jobseekers at hinimok ang publiko na samantalahin ang mga ganitong pagkakataon na ibinigay ng lokal na pamahalaan. Bukod pa rito, binanggit niya ang susunod na iskedyul ng job fair at nag-imbita ng mga job hunters na dumalo.

“Panawagan natin sa ating mga kababayan, sulitin ang mga pagkakataong tulad nito upang mas maging maginhawa ang pamumuhay natin at ng ating pamilya. Sa mga na hired on-the-spot, congratulations po sa inyong lahat!,” wika ni Mayor.

“Sa darating na Independence Day naman ay magkakaroon tayo ng Kalayaan Job Fair, gaganapin ito sa June 12, SM City Grand Central. Dalhin lamang ang inyong resume, valid ID at vaccination card,” dagdag oa nito.

Bukod dito, sinabi ng Public Employment Service Office (PESO) Officer-in-Charge, Violeta Gonzales, na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang hikayatin ang mas maraming kumpanya na sumali sa kanilang mga aktibidad sa recruitment at job fair.

“Wala pong patid ang ating pagsisikap na makipag-ugnayan sa iba’t ibang kumpanya upang maimbitahan silang makilahok sa ating mga aktibidad, labis tayong natutuwa sa tuwing dinaragsa tayo ng mga aplikante, lalo na kapag marami sa kanila ang na hired-on- the-spot,” sabi ni Gonzales.

Higit pa rito, nananatiling nakatutok ang lokal na punong ehekutibo sa kanyang layunin na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagbuo ng mga trabaho, kabuhayan, at pagkakataon, gayundin ang paghasa ng kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng mga libreng pagsasanay.

“Patuloy ko pong tutuparin ang aking mga ipinangako noong halalan, isa na dito ang pagbubukas at paglalapit ng mga trabaho, oportunidad, hanapbuhay, pagkakakitaan, at pati na ang paglilinang sa kakayahan ng ating mga mamamayan, sa paraang ito’y mas maitaas pa natin. ang kalidad ng pamumuhay ng mga Batang Kankaloo,” pahayag ni Mayor Along.