Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG Martes, pormal nang nagsampa ng petisyon ang komedyanang si Pokwang para sa deportation ng dati niyang partner na si Lee O’Brian.
“Kailangan nating mabigyan ng leksyon ‘yung mga taong nag-aabuso sa batas natin, sa karapatan ng bawat babae, ng bawat nanay,” sabi ni Pokwang sa pag-file niya ng kaso kay Lee.
Inilahad din ni Pokwang ang kanyang naranasang pang-aabuso sa dating partner.
“Mentally, sobrang sobra. Sobra ‘yung mga ilang gabi nang hindi nakakatulog, alam mo ‘yun? Hindi na niya nagagawa ‘yung obligasyon niya bilang ama. Sobrang masakit.”
“Hindi ako susuko para sayo anak (Malia) kung naitaguyod ko si ate ng mag-isa, mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo,” sey pa ni Pokwang.
***
JHASSY BUSRAN MAY LAUNCHING MOVIE NA
MAY launching movie na ang talented young actress na si Jhassy Busran, na isang family drama titled Unspoken Letters. Gumaganap siya rito bilang si Felipa na isang special child. Mula ito sa Utmost Creatives Motion Pictures at sa direksyon at panulat ni Gat Alaman.
“I feel honored po na pinagkatiwalaan ako ng ganitong klase ng role. Sobrang challenging po niya,” sabi ni Jhassy tungkol sa kanyang role nang makausap namin sa story conference ng nasabing pelikula.
Patuloy niya,”Itong role ko po, dream role ko po talaga siya. Tapos binigyan po ako ng chance na ma-portray siya. Na-excite po ako, and at the same time, kinakabahan. Kasi baka mamaya hindi ko magampanan ng maayos.
“But I’m doing my very best para aralin ‘yung character ko.”
Paano niya pinaghandaan ang kanyang role?
Sagot niya,”Nanood po ako ng Maalaala Mo Kaya sa YouTube, ‘yung ke Maja Salvador, na gumaganap po siya roon na autistic.
“Nag-research naman po ako para malaman ko kung paano ‘yung kilos ng may ganitong klase ng kundisyon.”
May ka-loveteam si Jhassy, si John Heindrick.
“Hindi ko po masasabi kasi eversince naman po, naging open naman kami with solo project. Supportive naman po kami sa isa’t isa kapag mga ganoon po.
“And ito yung una kong project na wala akong loveteam.
“Kaya kinakabahan po talaga ako rito.
“Unlike po roon sa huli kong film, ‘yung kasama ko si Heindrick na may katuwang ako na matutulungan talaga ako.
“Alam ko naman po na matutulungan po ako ng mga kasama ko sa movie.
“Pero alam ninyo po, napi-feel ko ngayon, na dahil iba ‘yung role ko, parang kailangan ko, ako mismo sa sarili ko, aralin ko talaga yung role at tulungan ko yung sarili ko ng sobra-sobra.”
Bukod kina Jhassy at John, kasama rin sa pelikula si Gladys Reyes, ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Simon Ibarra, Orlando Sol, MJ Manuel, Kristine Samson, Daria Ramirez, Deborah Sun at Matet de Leon.