Advertisers

Advertisers

PBBM AYAW PA BITAWAN ANG DEPT. OF AGRICULTURE

0 137

Advertisers

NAIS matiyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “systems are all in place” bago siya umalis sa Department of Agriculture.

Sa isang ambush interview sa Valenzuela City noong Biyernes, tinanong si Marcos kung magtatalaga na siya ng isang Agriculture chief matapos niyang pangalanan ang mga Secretaries para sa Department of Health at Department of National Defense, na dating pinamunuan ng mga officer-in-charge.

Ang Pangulo ay nakaupo bilang Kalihim ng DA mula nang siya ay umupo sa pagkapangulo noong nakaraang taon.



Biro ni Marcos, nakiusap na siya sa mga personalidad na magboluntaryo sa puwesto, ngunit ayaw nilang umalis siya sa DA.

Ipinaliwanag ng Pangulo na nasimulan niya na raw ayusin ang istruktura sa DA, ang problema ay naharap ang bansa sa krisis katulad ng mataas na presyo ng fertilizers at pagkain kasama rito ang problema sa fisheries at livestock.



Nais ng pangulo na maayos muna lahat ng ito para bago siya umalis bilang kalihim at sigurado nang may maaasahang murang presyo ng suplay ng pagkain at mataas na produksyon ang mga magsasaka.

“The problem had been was during the beginning of this year, naging crisis lahat ng food supply, food prices, lahat, fertilizer prices, etc. Kaya napakalaking bagay nitong donation na binigay sa atin ng China. ‘Yun, we were just trying to put up emergency measures para naman mabigyan natin ng tulong at suporta ang ating pagsasaka,” sinabi pa ni Marcos. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">