Advertisers
UPANG mapalakas ang kakayahan ng mga pulis at pagbibigay serbisyon sa publiko, bumili ang Philippine National Police (PNP) ng mga bagong kagamitan na nagkakahalaga ng P571-milyon.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang pagbili ng mga kagamitan na may kabuuang nagkakahalaga na P571,295,695.40 sa ilalim ng Capability Enhancement Program mula 2020, 2022 at 2023 karagdagan mula sa General Appropriation Fund mula 2021 at 2022.
Kabilang sa mga biniling bagong kagamitan ng PNP ang 80 units ng light transport vehicle; 10 units ng Advanced Life Support Ambulances; 3,000 units ng 5.56mm Basic Assault Rifle; 4,147,266 rounds ng cartridge 9mm Ball FMJ; 5,816,824 rounds ng cgt 5.56mm Ball SS109; 369 units ng Digital Mobile Radio, at 1,416 units ng enhanced combat helmet.
Binigyan-diin ni Acorda na malaki ang maitutulong ng mga bagong kagamitan para sa pambansang pulisya sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa seguridad ng bansa.
“As we receive and bless this new equipment, let us remember that it symbolizes not just an upgrade in our resources but also an unwavering dedication to the principles that guide us in our service to the Filipino people. Our commitment to uphold the rule of law, protect our communities, and maintain peace and order remains steadfast,” saad ni Acorda.
Pinuri naman ni Acorda ang Chairman ng NHQ Bids and Awardz Committee sa pagiging transparent sa pagbili ng mga nasabing kagamitan. (Mark Obleada)