Advertisers
MARIING pinabulaanan ng Philippine Coast Guard ang mga alegasyong tumanggap ng suhol ang kanilang mga tauhan mula sa kapitan ng tumaob na motorbanca sa Binangonan, Rizal.
Binigyang-diin ni PCG spokesperson, Rear Adm. Armand Balilo, na walang katotohanan ang mga sinabi ng kapitan ng motorbanca na si Donald Anain sa naging pagdinig ng Senado hinggil sa nasabing insidente.
Sa naturang pagdinig, ibinunyag ni Anain na nagbibigay siya ng “padulas” sa mga tauhan ng PCG na nakabantay upang mapahintulutan silang makapaglayag.
Giit ni Balilo, hindi kapani-paniwala ang nasabing mga alegasyon sa kadahilanang mismong si Anain na ang nagsabing hindi niya binibigyan ng alak ang mga tauhan ng PCG.
Bukod dito, nanindigan din aniya ang kanilang mga tauhan na wala silang tinatanggap na anuman mula sa kapitan ng nasabing bangka.
Matatandaang inamin nni Anain sa pagdinig ng senado na binibigyan niya ang nakabantay na officer sa substation ng P100 halaga ng saging o kaya’y P50 cash upang payagan silang makabiyahe kahit na hindi lisensyado ang kapitan.(Jocelyn Domenden)