Advertisers

Advertisers

30 bahay nilamon ng ipo-ipo sa Zambo

0 154

Advertisers

TATLUMPO’T dalawang (32) pamilya ang nasira ang mga bahay nang mahagip ng tornado na mula sa dagat sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Myerkules, August 9, 2023.

Sa hiwalay na pahayag nitong Huwebes ni Mayor John Dalipe at ng Zamboanga City Police Office, 30 bahay sa baybayin ng Barangay Sinunuc ang nawalan ng mga bubong nang daanan ng tornado.

Ayon kay Dalipe, chairman ng Zamboanga City Disaster Risk and Management Council, magtutulungan ang mga kawani ng kanilang engineering at social welfare offices sa pagtugon sa mga pangangailangan ng 32 pamilyang nasira ang mga tahanan.



Nagpaabot na ng inisyal na ayuda ang Zamboanga City local government unit sa mga pamilyang biktima ng naturang kalamidad.

Sa ulat ng barangay officials kay Dalipe, unang namataan ang tornado sa dagat Sinunuc baga ito napalapit sa baybayin ng Barangay Sinunuc at nakasira ng mga bahay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">