Advertisers

Advertisers

391 Bar examinees nag-backout na sa pagsusulit

0 5

Advertisers

NASA 391 Bar examinees ang hindi na magpapatuloy pa sa nakatakdang tatlong araw na pagsusulit para sa pagka-abogado.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office at sa hiwalay na pahayag ni 2023 Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, mula sa kabuuang 10,791 Bar applicants ay 10,400 na lamang ang sumipot at kumuha ng exam noong Linggo, na katumbas ng 96.38% turnout.

Kaugnay niyan, itutuloy naman ang ikalawang Bar Examination bukas, ika-20 ng Setyembre, habang ang pangatlo o pinakahuling araw ng Bar Exam ay sa September 24, 2023.



Wala naman umanong babaguhin sa pagsusulit, dahil nakalatag na ito, alinsunod sa mga patakaran ng kataas-taasang hukuman.

Katuwang naman ng korte ang mga lokal na pamahalaan at pambansang pulisya para sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar na kanilang ginagamit para sa nasabing aktibidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.