Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang sumalpok sa nakasalubong na pick-up truck sa Bantay, Ilocos Sur. Ang pick-up naman ay bumangga sa isang trailer truck.
Kinilala ang biktima na si Police Staff Master Sergeant Romualdo Piamonte Jr., 46 anyos.
Sa kuha ng CCTV camera sa national highway sa Barangay Puspus, makikita ang motorsiklo ng biktima na wala sa tamang linya ng kalsada at sumalpok sa kasalubong na pick-up truck.
Ang pick-up truck naman muling bumangga sa paparating na trailer truck.
Nasawi si Piamonte, habang sugatan ang driver ng pick-up truck na ilang minutong naipit sa sasakyan bago nadala sa ospital.
“Base sa CCTV, mag-o-overtake sana itong motor [ng biktima],” sabi ni Police Major Pol Areola, hepe ng Bantay Police Station.
Ayon sa pulisya, hindi pa nagkakausap ang mga nasangkot sa aksidente.(Mark Obleada)