Advertisers

Advertisers

Sarah buntis kaya na-postponed ang concert sa Pampanga?

0 55

Advertisers

Ni BETH GELENA

VERY apologetic si Sarah Geronimo sa fans lalo na kay Bamboo dahil postponed ang show nila sa Pampanga.
Dapat ay October 1 ito magaganap pero nare-sked ng October 29.
Ang rason daw kung bakit hindi natuloy sa original date ay due to “unexpected medical condition” umano ni Sarah.
Sa X account ng Popstar Royalty ay may post ang singer, “Hi guys… I’m so sorry we have to reschedule our Pampanga show due to medical reasons.”
Dagdag pa niya: “Thank you for your support and understanding.. my dear Popsters.”
Nag-release rin ang VIVA at G Productions ng kanilang statement regarding the matter.
“Unfortunately, our Popstar Royalty needs to rest due to an unexpected medical condition. Her health is now our top priority,” anila.
Napaisip tuloy ang isang netizen sa
“unexpected medical condition” ni Sarah.
Aniya, “Di kaya buntis na si Sarah G?”
Well, magkagayunman ay good news ito sa mag-asawa.
Three years na rin namang kasal sina Sarah at Matteo Guidicelli, its time naman na mabiyayaan na sila ng baby.
***
ARJO 2ND TIME WINNER PARA SA AACA BEST ACTOR
TUWANG ipinost ni Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang awards na napanalunan ng Cattleya Killer sa ACCA na pinagbibidahan ni Arjo Atayde
Aniya: “Thrilling News!”
“We are absolutely proud to unveil our team’s national winners for this year’s Asian Academy Creative Awards:
Best Actor in a Leading Role: Arjo Atayde; Best Cinematography: Pao Orendain at Best Drama Series: Cattleya Killer.
Congratulations, Kapamilya
“Thank you LORD”
Ang Cattleya Killer ay collab ng Nathan Studios at ABS-CBN.
Hindi ito ang unang beses na nanalo ng Asian Awards for Best Actor si Arjo na ngayon ay isa na ring Congressman ng Quezon City First District.
Nanalo siya noon sa Bagman.
Gaganapin ang awarding ng AACA sa
Philippine Arena, Bulacan sa December 14.
***
JIRO WALANG SAMA NG LOOB KAY AIAI
NASAAN na nga ba si Jiro Manio, ang batang humakot noon ng awards dahil sa pagganap niya sa Magnifico?
Maraming nanghinayang kay Jiro dahil hindi niya minahal ang kanyang pag-aartista kung saan sumikat siya.
Nalulong sa masamang bisyo ang actor na inamin niya sa interbyu ni Julius Babao.
Si AiAI delas Alas ang aktres na tumulong kay Jiro pero nagsawa na rin daw ang komedyanang aktres dahil bumabalik pa rin sa bisyo ang aktor.
Nakailang pasok sa rehab si Jiro pero nagtagal siya sa Bataan at doon gumaling.
Ayon kay Jiro, wala siyang hinanakit kay AiAi nang tanungin siya ni Julius kung nagkaroon ba siya ng sama ng loob sa comedienne.
Sa ngayon ay isa nang co-facilitator si Jiro sa pinagdalhan sa kanya noon na rehabilitation center sa Bataan.
Ito umano ang isa sa mga pinagdalhan sa kanya noon nang siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa dating aktor, nami-miss niya ang pamilya.
Pero, masaya siya dahil maayos na ang kanyang pamumuhay.
Si Jiro na ngayo’y isa nang co-facilitator sa DOH Treatment and Rehabilitation center sa Bataan ay ipinakita ang kanyang pinagkakaabalahan sa naturang rehab.
Matatandaang taong 2020 nang masangkot sa away si Jiro kung saan nakasuhan pa umano siya ng frustrated homicid?.
Bagama’t nakararamdam ng pagka-miss sa pamilya, hindi rin siya makauwi dahil sa kanyang seguridad.
“Kasi baka hantingin ako, or baka gumawa ng hindi maganda,” ayon mismo kay Jiro.
Naikwento rin niya nu’ng nasa airport siya, “Nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan sa bahay namin. ‘Yun po yung maraming balita po ‘yun na gumamit ako ulit tapos yung epekto ng dr?gs tumama sa functions ko. Hindi ko maisipan, bakit ba ako nandito. Hindi e, wala e. Yun ang trip ko. Lumalaban yung epekto ng dr?gs. Para pong lason. ‘Yun ang naging epekto sa’kin,” salaysay ni Jiro.
Naging bahagi si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si AiAi na siyang tumayong ikalawang ina niya sa totoong buhay.
Si Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015. Nakalabas ito noong Enero 2017 ngunit ibinalik din dahil labis na nag-alala si Aiai.
Back to normal na ngayon ang buhay ni Jiro.
Na tiyak kapag nalaman ni AiAi ay ikatutuwa niya.
Sabi nga ng dating aktor, wala siyang sama ng loob sa kanyang kinikilalang pangalawang ina.