Advertisers

Advertisers

Sen. Bong umapela sa suspensyon ng It’s Showtime

0 57

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

UMAPELA ang butihing senador na si Bong Revilla, Jr. sa Office of the President na ikunsidera ng ahensiya ang magiging epekto ng pagbasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa motion for reconsideration na inihain ng producers ng “It’s Showtime.”
Ayon kay Senador Bong, nangangamba siya sa mga maliliit na manggagawang maaapektuhan ng nasabing suspensyon.
“Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari,” aniya.”Sila yung mga ‘no work-no pay’ na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin,” dugtong niya.
Pagkatapos na idenay ang nabanggit na mosyon ng MTRCB sa pamunuan ni Chair Lala Sotto, naniniwala ang senador na magpa-file ng apela ang ABS-CBN at GMA-7 sa loob ng labinlimang araw.
Kumpiyansa naman ang senador na kapag naihain na ang apela, mabibigyan agad ito ng kaukulang importansya.
“I think lessons have been learned,” hirit niya.
“Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don’t punish those working hard day in-day out just to eke out a living,” pahabol niya.
Matatandaang nasuspinde ang “It’s Showtime” kaugnay ng kontrobersyal na ‘icing incident’ na kinasangkutan nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng noontime show.
Kamakailan naman ay nag-celebrate si Senador Bong ng kanyang ika-57 kaarawan.