Advertisers

Advertisers

Sundalo patay, 1 pa sugatan sa ambush

0 32

Advertisers

NASAWI ang isang Army sergeant at malubhang nasugatan ang kasama nito sa isang ambush sa bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, Biyernes ng tanghali (September 29, 2023).

Sa pahayag nitong Sabado ni Lt. Colonel Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat municipal police, magkaangkas sa motorsiklo ang nasawing si Army Staff Sgt. Darwin Alaba at kasama nitong si Pfc. Erwin Villa nang paputukan ng mga kalalakihan na sakay din ng mga motorsiklong nakaabang sa kanila sa Sitio Sandakan ,Barangay Dalumangcob.

Agad namatay sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Alaba, habang nagtamo ng malubhang mga sugat si Villa na ginagamot ngayon sa isang hospital.



Kasapi sina Alaba at Villa ng 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army na nasa Barangay Pigcalagan sa Sultan Kudarat ang headquarters, hindi kalayuan sa kungsaan sila na-mbush.

Patungo sana sa sentro ng Cotabato City ang dalawang biktima nang maganap ang pananambang ng mga lalaki na agad din nakatakas gamit ang kanilang mga motorsiklo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">