Advertisers

Advertisers

2 tulak tiklo sa Valenzuela

0 72

Advertisers

NALAMBAT ang isang drug suspect at nasamsam ang P204,000.00 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Valenzuela PNP. nang magpositibo sa balidasyon ang pagbebenta ng iligal na droga ng suspek.

Sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit, gamit ang Body Worn Camera (BWC), naisagawa ang buy bust na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek makaraang magbenta ng droga sa umaktong buyer na isang pulis alas 5:25 AM ng October 1, 2023, sa Villa Marta Compound, Diam Street Barangay GTDL, Valenzuela City.

Sa ipinadalang ulat ni Valenzuela Police Chief PCol Salvador Destura Jr. kay Northern Police District Director PBGen. Rizalito. Gapas , ang suspek ay kinilalang si Aka Michael, 49, ng Barangay Gen T De Leon, Valenzuela City.



Nakumpiska sa suspek ang 30 grams na shabu na may Standard Drug Price (SDP) value na P204,000.00
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 na isasampa sa Valenzuela City Prosecutors Office.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">