Advertisers

Advertisers

Dalaga minolestya, pinagbabaril ng amain

0 46

Advertisers

KRITIKAL ang 23-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng amain na inireklamo nito ng pangmomolestya sa kanya sa Maragondon, Cavite.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang kondisyon ng biktima na itinago sa pangalang Rea, ng Barangay Garita B, Maragondon.

Nakatakas naman ang salarin na stepfather na kinilalang si Alberto Roben Havier, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Mabacao, Maragondon.



Sa imbestigasyon ni Police Sgt. Lenon Joy Pong-et, may hawak ng kaso, 12:30 ng gabi nang maganap ang insidente kungsaan sinugod ni Havier ang anak-anakan sa bahay nito at kinompronta hinggil sa kasong “act of lasciviousness” na isinampa ng dalaga laban sa amain.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa barilin ng amain ang dalaga.



Kahit na sugatan, nagawa makatakbo ng biktima at humingi ng tulong kaya naisugod siya sa pagamutan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">