Advertisers

Advertisers

10 sundalo sugatan sa bumaliktad na light truck

0 61

Advertisers

SAMPUNG sundalo ang nasaktan, apat sa kanila malubha, nang bumaliktad ang sinasakyang KM 450 light truck sa isang bahagi ng highway sa Barangay Penacio, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte nitong Linggo (October 1, 2023).

Ayon kay Colonel Glen Dulawan, Zamboanga del Norte provincial police director, ang mga sundalo ay kasapi ng 106th Infantry Battalion at patungo sa sentro ng Sergio Osmeña mula sa Barangay Tuburan sa naturang bayan.

Ayon kay Dulawan, ang Army KM 450 na minamaneho ni Cpl. Daryl John Cor ay nawalan ng preno habang pababa mula sa isang mataas na lugar kaya bumaligtad at bumangga sa mataas na gilid ng highway.



Maliban kay Cor, siyam pang kasama niya ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sa aksidente.
Si Cor at tatlong kasamang sina Cpl. Robin Samillano, Pvt. Rolando Fundador at Pvt. Marvin Agipo ang malubha ang kalagayan at ginagamot sa isang hospital.

Ang anim pang sugatan at nasa ligtas nang kalagayan ay sina Staff Sgt. Abdulkarim Pilla, Cpl. Datu Gafor Akmad, Pvt. Rudel Lingating, Pvt Reymark Elico, Pfc. Mark Marimon at Pfc. Mark Babia.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">