Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagbabahagi ni Pauleen Luna ng journey sa kanyang pagbubuntis sa ikalawang baby, ipinakita nito sa socmed ang kanyang sonogram na kung saan 21 weeks na ang kanyang pinagbubuntis.
Kahit ang kanyang baby bump ay kanya na rin ibinahagi.
Ikinuwento ni Poleng na nahirapan siya sa trimester sa kanyang 2nd baby na nauwi pa sa pagiging bed rest ng 1 month para ma-save ang nasa tiyan niya.
As in, mabigat ang kanyang katawan at malikot ang sissy ni Tali.
Pero okey na raw ngayon si Pauleen sa ipinagdadalangtao.
Ibinahagi rin ni Pauleen na baka sa Bible rin sila ng mister na si Bossing Vic Sotto ipapangalan ang kanilang baby.
Kahit nga raw si Tali ay nanghimasok sa ipapangalan sa kanyang sissy.
***
PANG-WORLD CLASS NA DAMITAN NI NICK NAÑGIT SA KANYANG KONSIYERTO INAABANGAN
HINDI nga lang ang tutugtugin ni Nick Nañgit ang pang-World Class ang peg.
Kahit sa pagsalang nito sa kanyang mga konsiyerto, isa sa inaabangan ay ang kanyang susuoting damiit.
Sa mga nauna nitong konsiyerto ay pansin ang mga bonggang-bongga na kasuotan ni Nick.
At eto naman sa kanyang comeback concert ay inaabangan ang kanyang mga Kabunganga at Nickter Angels sa bonggang damitan nito.
Kasado at handang-handa na nga ang nalalapit na konsiyerto ni Nick na may titulong Timeless na gaganapin sa bonggang venue na Music Museum.
Bukod sa mga epic classical na tutugtugin ng pamosong Celebrity Psychic Artist, abangers talaga ang lahat sa kanyang outfit.
Kaya it’s a date sa October 28 para sa Timeless concert ni Nick, sabay sabay nating tunghayan ang kanyang pang-malakasang kasuotan.
See yah! Well, well, well…’Yun na!