Advertisers

Advertisers

PILIPINAS MATITIRIS NGA BA NA PARANG IPIS KUNG MANGYARI ANG GIYERA NG US AT CHINA?

0 17

Advertisers

MAY pangamba na baka raw mauwi sa pagsiklab ng giyera sa pagitan ng United States (US) at China bunga ng umiinit na away at girian nila tungkol sa usapin ng “malayang paglalakbay” sa West Philippine Sea (WPS) dating South China Sea (SCS).

Umano sabi ng ilang politiko sa Amerika na baka raw magsagupa ang China at US dahil sa walang tigil nitong pandadarag o pambu-bully sa Pilipinas na matalik na kaibigan at kaalyado ng USA sa patuloy na pagsasakop ng mga Intsik sa malawak na teritoryo ng karagatang WPS — na inaangkin din Malaysia, Brunei at Vietnam.

Umaabot sa apat na milyong kilometro kuwadrado ang lawak ng WPS na matagal nang ginagamit na malayang ruta ng paglalakbay sa dagat ng maraming bansa.



Dahil sa pagtatayo ng maraming pasilidad militar at nabal sa mga Isla ng Spratlys at Scarborough Shoals, nalilimitahan na ang galaw ng industriya at negosyo sa karagatan na umaabot sa apat trilyong US dollar ang kalakalan at negosyong itinatawid sa WPS bawat taon.

Nang wala pa instalasyon militar at nabal sa bahagi ng WPS, malayang nakapaglalayag ang US sa karagatang ito at buong gilas nitong nailalantad sa mundo ang paghahari sa Asia pero ngayon na nakaharang ang puwersang pandagat at militar ng China, humina ang paghawak ng US sa militarisasyon, industriya, kalakalan at negosyo sa Asia – na noon ay solong kontrolado ng Washington.



Sa pagkatayo ng mga pasilidad militar at nabal ng Beijing sa lugar, humina na at nawala na umano ang imahe ng US bilang “Number One Policeman of the World.”

Ayaw rin tanggapin ng China ang bintang ng US na sinasakop nila ang WPas; sabi ng Beijing, noon pa man ay teritoryo na nito ang karagatan at wala silang sinusuway na batas ng mundo tungkol sa malayang paglalayag, ito lagi pangangatwiran ng tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs.



Wala rin daw pakialam ang US sa teritoryong pinag-aagawan, sabi ng China pero imbes na tumigil ang US, paulit-ulit na inakusahan nito ang China na sinusuway ang batas sa malayang paglalakbay at kalakalan.

Ngayon nga, patuloy ang pananawagan ng US na pigilan ang China sa pagkamkam ng iba pang teritoryo ng maliliit at mahihinang bansa sa Asia.

Ibinigay na halimbawa ng US ang agresibong pagtatayo ng China ng mga pasilidad militar, paliparan at mga modernong telekomunikasyon sa Scarborough at iba pang isla sa WPS.

Ayon sa mga eksperto, kaya nagwawala ang US dahil nawawala na ang malakas na poder militar nito sa Asia.

At sa paghina ng lakas militar nito, ang kasunod ay ang paghina rin ng pangingibabaw ng US sa industriya, ekonomya at politika sa buong rehiyon ng Asia na ngayon ay umano nadodomina ng China.

Kaya dear readers may nagsasabi na giyera lamang ang maaaring makapigil sa paglakas ng China.

At nitong mga nakaraang buwan, upang sindakin ang China, kung ano-anong aircraft carrier at mga barkong pandigma ng US, mga bomber jets at barkong nuclear ang ipinadala ni President Joe Biden sa WPS, pero dinedma lang ito ng China at ano ang naging ganti ng mga Intsik.

Aba’y kamakailan, ipinamalas ng People’s Liberation Army ang kanilang lakas sa pagpapasabog ng ilang libong missiles sa isa sa mga island na sakop ng China at kung ano-ano ang pinalipad na kanilang mga modernong bomber jets na kasinglakas at bilis ng F-15 Eagle jet ng US Air Force.

Opo dear readers, hindi na rin natitinag ang China kahit malimit na naglayag ang ilang US aircraft carrier, kahit pa nagpalipad ng bomber jets at nagsagawa sila ng military exercises malapit o mismo sa WPS, kasama ang ilang kaalyado like Japan, Australia, etc.

Nag-umpisang uminit ang China noong 2016 nang kampihan ni dating US President Donald Trump ang desisyon ng United Nations Permanent Court of Arbitration sa pag-angkin ng Pilipinas sa Scarborough Shoal at Spratly Islands na ngayon ay may nakatayong instalasyong militar at mahigpit na binabantayan ng mga barkong de giyera ng Chinese Coast Guards at ng PLA.

Ang tanong: Sakali at uminit o tumindi pa ang girian ng US at China, kanino ba raw kakampi ang Pilipinas?

Malinaw naman ang sagot dito, di ba dear readers?

Sa sobrang panggigipit at pambu-bully ng China sa ating bansa at bukod sa matagal na nating kaalyado ang US at obligasyon natin sa Mutual Defense Treaty e syempre talagang obligado ang Pilipinas na giyerahin din ang kalabang bansa ng US.

Kung sakali nga na mangyari ang kinatatakutan nating giyera ng US at China, maiipit tayo at matitiris na parang ipis ang Pilipinas!
***
Thou shall not kill (HUWAG KANG PAPATAY). Ito ang ikaanim sa Sampung (10) Utos na dahilan ng matinding pagtutol ng Simbahan hanggang ngayon sa Death Penalty at ayon sa doktrina, tanging ang Diyos lamang ang may kapangyarihan bumawi sa hiram na buhay.

Kung totoo ito, bakit hindi kinontra ng Simbahan ang pagbitay sa Garrote noong Pebrero 17, 1872 kina padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora sa bintang na mga utak ng Cavite mutiny?

Ang Simbahan din ang umusig at nag-udyok na parusahan ng kamatayan sa firing squad ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896.

Bakit hindi kinontra o tinutulan ng Simbahan ang mga pangyayaring ito, sey n’yo?
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o.magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.