Advertisers
Weekend.., masarap mamasyal lalo na kung buo ang pamilya.., yan ay kung bata pa ang mga anak subalit kung malalaki na ang mga anak ay bihira nang makasama ang mga ito dahil may kanikaniya na silang mga pinagkakaabalahan.
Nitong nagdaang Linggo ay binalak naming mag-asawa na mamasyal kasama ang mga anak.. subalit may kanikaniya palang gagawin ang mga bata at hindi sila makakasama.., kaya parang ayaw na rin naming mag-asawa ang gumala.., kaso nga lang sayang ang imbitasyon ng ENCHANTED KINGDOM (EK) MANAGEMENT sa mga piling MEDIA PRACTITIONER kaya kaming mag-asawa ay tumuloy sa pagdalo para masaksihan ang 28th EK ANNIVERSARY CELEBRATION.
Mistulang lumipad kaming mag-asawa kasama ang mga naimbitahang.media sa pagtungo sa 36-ekyaryang lawak ng EK nitong nakaraang araw ng Linggo para masaksihan ang OFFICIAL LAUNCHING ng kauna-unahang WORLD CLASS THEME PARK sa ating bansa.., na ang tema ng YEAR-LONG CELEBRATION ay “WHAT’S YOUR ENCHANTED STORY?”.., na may slogan na “BE THE MAGIC, BE ENCHANTED!”
Kaya nitong Linggo.., ang ENCHANTED STORY naming mag-asawa ay tila nagbalik kami sa pagiging magsyota lamang dahil hindi namin nakasama ang 3 naming anak na noong late 90’s nang kami ay makapamasyal sa EK ay halos hindi kami nag-enjoy na mag-asawa.., kasi po, ang inuna namin ay ang pagbabantay sa mga anak namin noon na sila ay maliliit pa lamang.
Kumpara noon ay maraming pagbabago na ang EK na pinangangasiwaan ng MAMON FAMILY.., tulad na lamang sa pagdating naming mga MEDIA INVITED ay ang magkapatid na sina NICO MAMON na ito ang ORGANIZATION DEVELOPMENT AND CORPORATE PLANNING CHIEF at kapatid niyang si ANNA MAMON-ABAN na ito naman ang BUSINESS DEVELOPMENT & DIGITAL TRANSFORMATION CHIEF ang magiliw na nanguna sa personal na pag-asiste sa MEDIA PERSONALITIES .
Ibinida ng magkapatid na unti-unti nang nakababawi ngayon ang EK mula sa pagkakatengga dahil sa nagdaang COVID-19 PANDEMIC na anila ay mayroong 700 employees ang EK at sa ngayon ay mayroon nang 10,000 to 15,000 per day ang dumadayo para ma-experience ang iba’t ibang makabagong rides para sa mga adult at sa mga bata.
Magmula sa October 7, 2023.., ang EK MAIN ANNIVERSARY HIGHLIGHTS ay ang SKY WIZARDRY FIREWORKS COMPETITION ang ilulunsad kada- Sabado at maliban dito ay mayroon ding inilaan ang EK sa October 7 upang mapasaya ang mga teacher para sa WORLD TEACHERS DAY CELEBRATION at selebrasyon na rin bilang NATIONAL TEACHERS MONTH; sa October 14 naman ay handog para sa mga bata ang STORYTIME WITH ELDAR, AN ENCHANTING KIDS EVENT”; October 21 naman ay ang ELDAR’S EKREATORS na laan sa LOYAL PARK GOERS sa collaboration ng SOCIAL MEDIA INFLUENCERS at CONTENT CREATOR PARTNERS; at ang huli ay sa October 28, ang GRAND FINALE ng SKY WIZARDRY FIREWORKS COMPETITION at ang BE ENCHANTED CONCERT ng ASIA’S SOUL SUPREME KZ TANDINGAN kasama ang iba pang LOCAL ACTS DWTS & AXIS PH.
Ang isang nagpasaya sa mga kasapi at kinabibilangan ng inyong lingkod.., ang PAMAMARISAN-RIZAL PRESS CORPS na 5 ang kabilang sa mga naimbithan ng EK ay naging sulit nang pasukin namin ang AGILA PARK na mayroong 4D film.., na animoy lumilipad ka rin sa alapaap tulad sa paglipad ng ibong AGILA na bawat pagaspas ay iba’t ibang magagandang senaryo o TOURIST SPOTS sa ating bansa ang matutunghayan na animo’y naroon ka rin sa mismong lugar na inyong napapanood.., kaya ang rekomenda ng ARYA ay dapat mapasok ng EK PARK GOERS ang AGILA PARK para sa kakaibang panoorin at eksperyensiya.., ika nga mararanasan po ninyo ang mistulang Ikaw mismo ay kabilang sa LUMILIPAD SA KALAWAKAN KASAMA ANG PUMAPAGASPAS NA AGILA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.