Advertisers
BINIGYANG-LINAW ni DOTr Sec. Jaime Bautista na malabo pang maipatupad ngayon ang Libreng Sakay sa Edsa Bus Carousel at mga jeepney sa susunod na buwan.
Ayon kay Bautista, pinag-aaralan pa ng ahensya kung kailan muli maipatutupad ang libreng sakay dahil wala pang sapat na budget para dito.
Binigyang diin din ni Bautista na kailangan pa ng panahon para mapagdesisyunan at maibalik ang libreng sakay para sa publiko.
Pahayag pa ni Bautista, sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan ngayon ang pagbibigay na lamang ng discount sa mga pasahero.
Matatandaan na sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magkakaroon ng libreng sakay sa susunod na buwan bilang parte pa rin ng programa ngayong nalalapit na kapaskuhan.