Advertisers
LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2023 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.
Ayon sa PSA, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na paglago sa rehiyon.
Nasa 5.9 percent ang economy growth sa ikatlong quarter, mas mataas ito kumpara sa 4.3 per-cent noong ikalawang quarter.
Sinabi naman ng Presidential Communications Office, na naungusan ng Pilipinas ang Vietnam, China, Indonesia at Malaysia.
“Para sa Q3 2023, Pilipinas ang may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya na naitalang nasa 5.9% kumpara sa mga bansa sa rehiyon na naglabas ng kanilang Q3 2023 real GDP growth. Ito ay sinundan ng Vietnam, China at Indonesia, at Malaysia,” ayon sa PCO.