Advertisers
NASAWI ang dalawa katao at 8 ang sugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang owner type jeep sa may 10 metro lalim ng bangin sa Infanta, Quezon nitong Linggo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Adelina Peñamente at Adrian Mercado.
Nilalapatan naman ng lunas ang walong sugatan, kabilang ang driver na kinilalang si alyas ‘Loren’, 45 anyos, isang pastor, sa Claro M Recto District hospital na nagtamo ng mga pinsala sa katawan.
Sa report, 3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Brgy Magsaysay, Infanta.
Sakay ang mga biktima ng owner type jeep na mimaneho ni Loren na patungo sa Gen. Nakar para sa isang religious service. Habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada ay nawalan ng preno ang sasakyan at nahulog sa bangin.
Nasawi noon din ang 2 biktima sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan.
(Mark Obleada)