Advertisers
Patay ang isang mister nang barilin ng “agaw-motor gang” habang nakaligtas ang misis nitosa bayan ng San Francisco, lalawigan ng Quezon.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilala lang sa alias “Ricky”, 45-anyos, nang barilin sa ulo ng tatlong suspek habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang misis nito.
Sa ulat, 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Balsi, Brgy. Pagsangahan, San Francisco, Quezon.
Nabatid na habang minamaneho ni Ricky ang motorsiklo at angkas nito ang kaniyang misis nang harangin sila ng mga armadong lalaki at sapilitang agawin ang kanilang motorsiklo.
Pagkakuha sa motorsiklo, agad binaril ng isa sa mga suspek ang mister sa ulo na agarang nasawi sa lugar habang iniwan nila ang misis nito na halos matulala sa insidente.
Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at naaresto ang isa sa mga suspek na si alias “Gilbert” habang patuloy na pinaghahanap ang mga kasamahan nito.
Ayon sa pulisya, pagkakautang ang motibo sa nasabing krimen.