Advertisers

Advertisers

11 terorista todas sa atake ng militar

0 6

Advertisers

TODAS ang 11 miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah kabilang ang kanilang lider sa operasyon ng militar sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao nitong Biyernes.

Ayon kay Brigadier General Oriel Pangcog, commander ng 601st Infantry Brigade, 12:15 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ng militar laban sa 20 teroristang grupo sa bulubungduking bahagi ng Mothern Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan.



Gumamit ng air strike kasunod ang pagkanyon sa lugar na pinagkukutaan ng mga terorista bago nagsagawa ng pagsalakay ang mga sundalo.

Tumagal ang bakbakan ng 20 minuto bago tuluyang tumakas ang mga terorista sa iba’t ibang direksyon.

Sa clearing operation, narekober ng mga sundalo ang 11 nasawing terorista, 2 M14 rifle, 7 M16 rifle, 1 RPG at 3 explosive.

Dinala ang mga labi ng 11 terosita sa Local Governmet Unit upang matukoy ang pagkakakilanlan at pagbibigay ng maayos na libing. Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Nabatid na nagtipon-tipon ang teroristang grupo sa nasabing lugar nang bombahin ng militar.

Ang Dawlah islamiyah ang sinasabing nasa likod ng mga serye ng pambobomba sa mga pampasaherong bus sa Maguindanao at Sultan Kudarat sa mga nakalipas na taon.(Mark Obleada)