Advertisers

Advertisers

SUPREMO SEN. LITO LAPID PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA DOLE-TUPAD SASMUAN PANGPANGA

0 16

Advertisers

KAHIT tapos na ang pasko, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ni Supremo Senador Lito Lapid ng financial assistance mula sa DOLE-TUPAD sa mga kabalen sa Sasmuan, Pampanga nitong Miyerkoles ng umaga.

Nasa 177 beneficiaries ang tumanggap ng P5,000 kada isa na abot sa halagang P885,000 ang ipamamahagi ng Senador, kasama sina Sasmuan, Pampanga Mayor Catalina Cabrera, Vice-Mayor Mamerto Tamayo at DOLE Region 3 officials.

Nagpapasalamat si Sen. Lapid sa mga taga-Sasmuan sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga kabalen.



Nangako si Lapid na ipagagawa ang maliit na tulay na tricycle at motorsiklo lang ang nakakadaan, kaya palalakihan anya ito para makadaan ang mga malalaking sasakyan sa bayan ng Sasmuan.

Popondohan anya ito ng P50M para mas makatulong sa mabilis na paghahatid ng mga produkto mula Brgy. sa San Pedro patungo sa kanilang palengke at maging ang pagtawid ng mga residente mula sa kabilang panig ng Rio Grande o Pampanga river.



Sa pangunguna ni Mayor Cabrera, todo pasasalamat ang mga taga-Sasmuan sa naipahaging ayuda at sa ipapagawang tulay sa nasabing bayan. (CESAR MORALES)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">