Advertisers

Advertisers

Pieta ni Nora pinag-usapan; Vilma kontrobersyal ang pananalo ng best actress sa MMFF  

0 20

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

MAGANDA raw ang outcome ng katatapos na 49th Metro Manila Film Festival? Nagbalik sa mga sinehan ang ating mga kababayan para manood na mga kalahok sa taunang pestibal. Keber kung mataas ang bayad sa sine.

Of course, iba yun special screening (pre-marketing na) kaysa sa regular showing. Hmmp, di kaya pralalific lang ‘yun.



E, sana nga..tuluy-tuloy ang pagganda ng pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan.  Habang namamayagpag ang livestream o digital platform, deretsahang sasabihin ko, mag-subscribe lang sila sa app, presto mapapanood na nila ang mga pelikulang walang sensura o klasipikasyon na di pwedeng pakialaman ng MTRCB, no!

Wish ko siyempre, sumigla talaga ang syobis industry.



***

NAPANGANGA ang execom ng MMFF at bumubuo ng jury na may tatlong sneak preview ang obra maestra ni Adolf B. Alix, Jr. Keber, di nagustuhan ng execom ang PIETA na pinagbibidahan ng National Artist na si Nora Aunor, Kyusi councilor Alfred Vargas, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Alan Paule, Bembol Roco at Ina Raymundo.



Base sa mga movie critics ay kaiba ang nasabing pelikula. May puso, nag-aalab ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na nawalay nang matagal na panahon. E, tatlong araw na may 2 o 3 screening na ginanap sa Sine Pop Cubao at Cinema 76 sa Kyusi. Paid screening ha. Sey ng mga Noranians, may panlaban si La Aunor sa susunod sa awards night.

Oppps, sa kaalaman ng lahat, kapag paid screening gaya ng sneak preview ng Pieta, pasok ito sa nominasyon.

***

OK fine..MMFF best actress si Vilma Santos. Katwiran ng mga fans ni Maricel Soriano, nilaglag ang movie ni Marya para walang matinding kalaban ang In His Mother’s Eye. Ganda sana…magkalaban sila ni Vilma na dati naghati sa puso ni Edu Manzano, ha! ha! ha!

Mapakla ang pagkapanalo ni Vilma. Pangalong sa kulelat ang pelikula nila ni Boyet de Leon. Oppps, di ba ang kanyang Burlesk Queen na entry for MMFF 1977 ay kontrobersiyal din. Kahit tapos na ang gabi ng parangal, may nagprotesta at binawi ang mga awards na nakuha ng grupo ni Vilma.

Isa pa, muling lumabas sa social media ang unang best actress na pinagwagian ni Vilma sa Famas na ka-tie si Boots Anson Roa. Mismong sa kolum ni Alfie Lorenzo (na buhay pa ang columnist/talent manager), alam niya na binayaran ng kanyang manager na si William Leary ang kanyang pagiging best actress. Kaya ginawang tie para di mabukelya.

Ano kaya ang masasabi ng mga PRO ni Vilma sa bagay na ito? Wish namin matuldukan na lahat.

***

COCO MARTIN, KAILAN AAMIN?

ITATAYA ng isang lady broadcaster ang kanyang kredibilidad sa pagsasabing may anak na sina Coco Martin at Julia Montes. Ibang klase rin si Coco, ayaw na ayaw niyang pag-uusapan ang kanyang personal na buhay.

E, hanggang kailan magiging tikom ang kanyang bibig? Pero, sa isang subdivision nakatira sina Julia at Coco pero magkahiwalay ng bahay.

Wish din natin, tuldukan na, aminin kung may anak na. Kawawa ang bata.