Advertisers
IPINAGMAMALAKI ng Panabo City Fire Station ang kanilang mga miyembro sa ipinakitang katapatan sa nangyaring sunog sa Barangay San Francisco, Panabo City, Davao del Norte.
Rumesponde ang mga bumbero sa nasunog na bahay sa Luzviminda Subdivision Huwebes ng gabi.
Naabo man ang bahay, nagpapasalamat parin ang may-ari nito dahil nailabas at hindi nasunog ang mga pera na nagkakahalaga ng P300,000.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog sa Brgy. San Francisco.