Advertisers
NASAMSAM ang mahigit P20 milyong halaga ng ilIgal na droga sa buy-bust operation sa ML Queen Highway, Barangay Casuntingan, Mandaue City, Cebu, Sabado ng madaling araw.
Ito ang kinumpirma ni Mandaue City Police spokesperson Lt. Collonel Franc Oriol, sinabing nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nasa drug watchlist ng mga awtoridad.
Nasa 3.050 kilo ng shabu ang nasamsam sa suspek, ayon sa pulisya.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek, dagdag pa ni Oriol.