Advertisers
PINAGHAHANAP ngayon ang isang babae nang ma-hulicam na tinangay ang flat-screen TV ng transient house na kaniyang inupahan sa Sto. Tomas City, Batangas.
Sa ulat, makikita sa CCTV ang pagdating ng babae sakay ng isang tricycle.
Sa mga sumunod na kuha, makikitang pasakay na ulit ng tricycle ang babae na may dala-dalang bag, na naglalaman na pala ng flat-screen TV ng transient house.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-book sa transient house ang babae.
Nang magtungo ang may-ari ng bahay, nadiskubre niyang wala na ang flat-screen TV doon.
Nang suriin ang CCTV, nabisto ang ginawa ng babae.
Ayon sa Sto. Tomas City Police, may kaparehong modus na ang babae at nagkaroon na ng kaso sa Quezon.
Nang suriin pa sa database ng pulisya, may existing warrant of arrest na rin ang babae para sa pagnanakaw.
Mahaharap sa kasong ‘theft’ ang babae.