Advertisers
INANUNSYO ng Meralco na magkakaroon ng ‘minimal’ o bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ito ay dahil sa pagsirit ng presyo ng kuryente sa spot market.
Paliwanag pa ni Spokesman Zaldarriaga, 20% ng kanilang supply para sa buwan ng Disyembre ay mula sa spot market.
Samantala, inaasahang iaanunsyo ng Meralco ang final rate adjustment ngayong araw, Enero 10.