Advertisers

Advertisers

Guerilla front ng NPA humina

0 17

Advertisers

Naniniwala si Rodolfo Salas, dating chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na mahina na ang guerilla front ng New People’s Army  (NPA) sa bansa. 

Sinabi ni Salas nabigo ang CPP/NPA na isulong ang guerilla war ng makakaliwang grupo sa kanayunan. 



Sa National Peace Advocates  Summit ng PolPhil na isinagawa sa Quezon City sinabi ni Salas na sa kabila ng pagsusulong ng armed struggle sa kanayunan humina ang makakaliwang grupo. 

“Talagang desperado ang sitwasyon ng NPA dahil sa pagbabago ng mga guerilla tactics ng kaliwa,” ayon kay Salas. 



Ayon pa sa dating chairman ng CPP hindi napanatili ng  NPA ang guerilla front nito sa mga  kanayunan. 

Kaugnay nito sinabi ng AFP na mayroon pang natitirang 13 New Peoples’ Army (NPA) guerrilla fronts sa bansa subalit humina na ang kanilang kapabilidad. 



Samantala kaugnay nito sinabi naman ni dating DAR Secretary Nani Braganza na ang rural development ang main component ng ekonomiya ng bansa. 

Ayon pa kay Braganza dapat din mapaunlad  ang sektor  ng agrikultura partikular ang mga magsasaka sa pagkakamit ng Peace Process o Kapayapaan.  (Boy Celario)