Advertisers

Advertisers

Historical marker ng pagdating ng Pan AM China Clipper sa Piilipinas , pinasinayaan

0 14

Advertisers

Pinasinayaan ngayong araw, Enero 20 ang Historical marker ng pagdating ng Pan AM China Clipper sa Piilipinas sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan  ng Pilipinas.

Dinaluhan at personal na pinangunahan ang aktibidad ni Extraordinary and Plenipotentiary US Ambassador to the Philippines MaryKay L.Carlson,kasama si National  Historical Commission of the Philippines (NHCP) Dr. Emmanuel Franco Calairo, Past Manila Yacht Club Comm. Ildefonso G.Tronqued at Manila Yacht Club Comm. Ildefonso Marco T. Tronqued at Supreme Court Justice Antonio Carpio.



Kasabay nto, lumagda rin ng “Katibayan ng Paglilipat at Pagtanggap ng Panandang  Pangkasaysayan” – Ang Pagdating ng Pan AM China Clipper sa Pilipinas sina Calairo at Comm.Tronqued  sa pamunuan ng Manila Yacht Club na buong pusong sumasang-ayon na tanggapin at panatilihing isang banal  na tungkulin ang pangangalaga nito.

Sinabi ni Comm. Tronqued na bago pa man itong historical marker, ang club ay kinikilala na bilang Philippine Historical landmark mahigit 18 taon na ang nakalipas at ang nasabing marker aniya ay pareho ring nakikita sa main entrance ng MYC.



“Mainly both these two historical markers emphasized two things—the contribution  and longevity of the Manila Yacht Club , contribution is through  the club’s promotion of the yate in the country ,it has hosted local and international and it provides their  only marina facility for over 200 boats and yachts right in the countries capital,”sabi ni Comm. Tronqued

Dagdag pa ni Comm. Tronqued, nagtataglay ito ng katumbas na ugnayan sa 94 na iba pang  bagong club sa buong mundo.Gayundin ang pagtulong at pagsuporta sa mga tauhan ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG) at pagpayag  na gamitin ang yatch yard ng ibat-ibang government agencies na nangangailangan ng suporta para sa kanilang sasakyang-dagay at mga programa lalo na ang DENR,PNP Maritime Burau of Fisheries and Aquiatic Resources o BFAR ,PN,Bureau of Customs, PCG at local government units.



Sinabi naman ni US Ambassador Carlson  na halos 90 taon na ang nakalilipas nang masaksihan ang China Clipper – ang unang commercial flight na lumipad sa Costa Pacific at naglanding mismo sa Manila Bay .

Binanggit din ni Carlson ang opisyal na pagbisiita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  noong nakaraang taon sa Washington DC kung saan nagkasundo ang dalawang president na palawakin ang air connectivity at gawing makabago ang vilaterla aviation relationship.

“This is exactly the type of momentum  we new need to further modernization our  aviation ties as we see to upgrade  our vilateral aviation  agreement  that is now 40 years old “, pahayag pa ng US Ambassador.

Pinasalamatan din niya ang NHCP at Manila Yatch Club para sa makabuluhang aktibidad  na  ito para sa paggunita sa China Clipper at pangmatagalang simbolo at pagbabago at pagkakakonekta para maging maunlad and dalawang bansa.(Jocelyn Domenden)