Advertisers

Advertisers

7-Eleven nilimas ng kustomer

0 42

Advertisers

HINOLDAP ang isang sangay ng 7-Eleven convenience store ng nag-iisang holdaper sa Tagaytay City, Cavite, Linggo ng umaga.

Sa ulat, nagpanggap na kustomer ang lalaki nang pumasok ito sa tindahan sa Barangay San Jose, Tagaytay City 5:35 ng umaga.

Nilapitan ng lalaki ang cashier at nagdeklara ng holdap, at nilimas ang nasa P3,000 cash na laman ng kaha.



Wala namang napansin ang cashier na armas ng holdaper.

Tumakas ang holdaper sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo.



Nirerebyu na ng pulisya ang mga kuha sa Closed Circuit television (CCTV) camera ng tindahan para sa pagkakakilanlan sa holdaper.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">