Advertisers

Advertisers

DRIVER NG SUV NA SUMALPOK SA KOTSE NG ABOGADO SA SUBIC TUKOY NA!

0 52

Advertisers

NATUKOY na ng Land Transportation Office ang driver ng sport utility vehicle (SUV) na sangkot sa “road rage” incident sa Subic Bay Freeport Zone, at sinupinde na ang lisensiya nito ng 90 araw.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza na ang SUV driver ay isang babae at residente ng Morong, Bataan; habang ang SUV ay nakarehistro sa isa ring babae na residente ng Makati City.

Hindi binanggit ni Mendoza ang pangalan ng naturang mga babae.



Nagbigay ng direktiba ang LTO sa SUV driver at sa may-ari na magsumite ng kanilang notaryadong affidavit ng kanilang paliwanag. Inatasan din silang dumalo sa ongoing investigation ng LTO-Region 3 hinggil sa insidente.

Ang ‘show cause order’ laban sa kanila ay nagsasaad na ang hindi nila pag-file o late na pagbigay ng kanilang mga sagot ay mangangagulugan na tanggap nila ang mga alegasyon.



Nangako si Mendoza na tututukan niya ang kaso.

“Personal kong tututukan ang kasong ito dahil ang ganitong asal ay hindi gawain ng isang matinong motorista,” sabi ng LTO chief.



Ang Subic incident ay nag-viral nang makuhanan ng video.

Makikita sa video na ang SUV, itim na Toyota Fortuner, ay binangga ang Hyundai Eon at hinabol ang mga pasahero na bumaba mula sa sasakyan, isang senior citizen at batang babae.

Sa ulat, ang Hyundai Eon ay minamaneho ng isang abogado kasama ang kanyang assistant. Sinabi ng assistant na ang driver ng Fortuner ay dating kliyente ng abogado.

Sinabi ng LTO, sa kanilang paunang imbestigasyon, base sa kanilang pakikipag-ugnayan sa local police, nabatid na Hyundai Eon ay bumabaybay sa kahabaan ng Binictican Road sa loob ng bisinidad ng Subic Bay Freeport Zone nang tangkain i-overtake ito ng Fortuner.

Ilang ulit binangga ng Fortuner ang Hyundai Eon gamit ang reverse gear, habang ang mga pasahero ay nakasakay pa.

Kita rin sa video na ang mga pasahero ay lumabas mula sa Hyundai Eon, at ang Fortuner ay nag-u-turn at hinabol ang dalawang sakay ng kotse.

Pagkatapos nito ay mabailis nang umabante ang Fortuner sa kahabaan ng highway.

Ang imbestigasyon ng LTO ay hiwalay sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya kung ang insidente ba ay frustrated homicide.