Advertisers

Advertisers

LORD OF ALL LORDS, LALARGANG GOBERNADOR!

0 1,116

Advertisers

HINDI na bago sa ating kaalaman na ang isang drug lord, gambling lord, nakabilanggo/nabilanggo, may kaso at ex-convict ay pumapalaot at nagwawagi sa larangan ng pulitika pagkat ito na ang kalakaran sa ating bansa.

May mga pulitiko na hindi lamang pagbebenta ng droga at pagpapatakbo ng bawal na sugal ang pinaghuhugutan ng kanilang impluwensya at political stock, kundi maging ang ibat iba pang uri ng bawal sa batas na mga aktibidades na tunay na hindi katanggap-tanggap sa ating lipunan.

Panganib sa lipunan kapag ang mga pulitiko ay lilo, mapanlinlang at pinakikilos ng mga banyaga lalo na ng mga Intsik. Kung ganito ang uri ng mga pulitikong mamumuno ay hindi malayong magkatotoo sa lalawigan ng Batangas na kung ituring ay “Kadluan ng mga bayani at magigiting”.



Hindi malayong gamitin ng mga dayuhang pulitiko ang tinatawag na “guns and gold” upang maitatag ang kanilang inaambisyong “Political Empire” sa limang mga siyudad at 29 na munisipalidad na bumubuo sa lalawigan ng Batangas.

Tiyak na hindi abot o wala sa hinagap ng pulitikong ang buong kasaysayan ng lalawigan pagkat ang nasabing pulitiko ay tubo sa lalawigan ng Nueva Ecija, nakapangasawa ng isang Batanguena at nagpapatakbo ng mga ilegal na pasugal tulad ng jueteng, sakla at iba pang uri ng illegal vices, petroleum smuggling, paihi, pasingaw, patulo, paawas o buriki at iba pang gawaing kriminal na siyang pinanggagalingan ng tago nitong yaman.



Hindi lamang sangkot sa malawakang drug, gambling at iba pang uri ng kriminalidad ang naturang pulitiko kundi kilala din itong “godfather” at protektor ng mga gun for hire o bayarang mamamatay tao mula sa kanyang probinsya.

Ang mga grupo ng mga kababayan nitong mamatay tao ang siya ding ginagamit na “private army” at naghasik ng sindak sa kanyang mga naging katunggali sa lokal na pulitika at maging sa mga idinadaos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Fourth District ng lalawigan ng Batangas.



Ang Ika-apat na Distrito ng Batangas ay binubuo ng mga bayan ng San Juan, Rosario, Padre Garcia, San Jose, Ibaan at Taysan.

Dahil sa matinding ambisyon na pagharian ang dinayo nitong lalawigan ay masusing dinerehe at pinagplanuhan na ng estrangherong pulitiko kung papaano nito maisusulong ang kanyang imbi at pansariling interes na palitan sa babakantihing pwesto ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas na magtatapos sa kanyang pangatlo at huling termino sa darating na taong 2025.

Malaki ang tiwala sa sarili ng ambisyosong pulitiko na mabibili niya ang boto ng mas nakararami sa halos ay isang milyong botanteng Batangueno dahil sa inaasahan nitong suporta mula sa mga alagad ni Chinese President Xi Jinping na nagbibigay ng suportang bilyones na political fund sa mga nakaraang halalan.

Ang pondo mula sa Komunistang China ay ipinangako sa kampo ng tiwaling pumustorang Batangas politician mula sa kinikita ng underground na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na nakabase sa isang bayan sa Fourth District ng Batangas.

Tahimik na naipatayo ng POGO ang kanilang base sa Batangas habang nanunungkulan pa lamang na alkalde sa isang bayan sa Batangas Fourth District ang naturang pulitiko. Sa mga nakaraang ilang taon ay inilunsad ng mga komunista ang kanilang underground gambling operation sa Batangas na nagkakawing sa mga bansa sa Asya, Europa, America at iba pang panig ng planeta sa bisyo ng ilegal na sugal.

Nakapasok ang operasyon ng POGO sa Pilipinas sa panahon ng Administrasyon ni ex-President Rodrigo R. Duterte na pinili ang pagpapasugal kaysa pagpapataas ng moralidad ng kanyang mga mamamayan kapalit ng tinatawag nitong revenue o salaping maisasalta sa kaban ng bansa mula sa regulated POGO gambling.

Ngunit ang inaasam na regulated gambling ay nasundan ng palihim na operasyon ng ilegal na pagpapasugal ng mga Intsik hanggang sa patago ding nakapagtayo ang mga ito ng gusaling kinalalagyan ngayon ng kuta ng mga kriminal na angkan ni Limahong sa probinsya ng Batangas. Ang naging contact man ng mga kriminal na mga Chinese national ay walang iba kundi ang dayuhang pulitiko na nag-aambisyong maging gobernador ng lalawigan ng Batangas. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144