Advertisers

Advertisers

‘Pastor’ timbog sa pagtutulak ng droga

0 51

Advertisers

ARESTADO ang isang Nigerian national sa buy-bust operation sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City, Lunes ng gabi.

Ayon kay Captain Rudolph Delmendo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ng ilegal na droga ang dayuhan.

Nagpapakilala umanong pastor ang Nigerian na posibleng ginagamit niya upang ikubli ang ilegal na transaksyon.



“According sa kanya, isa daw siyang pastor of Potter House of God and medyo matagal na siyang naninirahan dito kasi marunong siyang magsalita ng Tagalog,” sabi ni Cpt. Delmendo.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng nasa 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.



Napag-alaman na dati na itong nakulong sa kaparehong kaso at kalalaya lamang nitong isang taon.

Sabi ng pulisya, posibleng hawak ang Nigerian ng mas malaking grupo na kinukuha ang suplay ng shabu sa Dasmariñas, Cavite.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">