Advertisers

Advertisers

Sen. Bato: RFID nalang sa halip ‘Doble Plaka’

0 42

Advertisers

UMAPELA si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang mga kapwa senador na maipasa agad ang isang panukala para amiyendahan ang Republic Act No. 12235 o kilala sa “Motorcycle Crime Prevention Act” kung saan kailangan balansehin ang kapakanan ng riding community at ang layunin na tugunan ang problema sa “riding in tandem”.

Sa ilalim ng panukalang amiyendahan ang “Doble Plaka” Law, magkakabit na lang ng RFID stickers sa harap sa halip ng isa pang plate number.

“Manipis po ang linyang tinutulay ng batas na ito sa pagitan ng crime prevention at diskriminasyon. There is nothing wrong with penalizing offenders of the crimes they have committed,” wika ni Dela Rosa kanyang co-sponsorship sa Senate Bill No. 2555.



Ipinunto ng senador na isa ring motorcycle enthusiast, nasi-single out umano ang motorcycle riding sector makaraang isabatas ang RA 12235.

Ngunit nabago umano aniya ang perspektibo sa naturang sektor nang matulungan ng motorcycle riders ang mga ordinaryong Filipino noong COVID-19 pandemic sa paghahatid ng mga mahahalagang mga pangangailangan tulad ng test kits, food items, gamot at iba pa.



Bukod kay Dela Rosa, inisponsoran din nina Senador JV Ejercito at Senador Francis Tolentino ang panukala sa plenaryo ng Senado. (Mylene Alfonso)